high.masaya ako ngayon. Alam mo kung bakit? Hah. Make a wild guess. Hindi mo pa rin mahulaan? Guess again.
wala ka bang napapansing bago dito?
wala talaga? Sige na nga.
Wala naman talagang nagbago dito eh. Nagpapapansin lang ako nung mga panahong iyon. Haha. Ang tanga mo naman - nadala ka. Wala lang. Anyway, kung hindi mo pa din talaga mapansin kung ano ang medyo nag-change dito... ewan ko na sayo. Hindi mo pa din ba napapansin na nagtatagalog ako ngayon? Wala lang. Naisipan ko lang gumawa ng tagalog na "blogpost". Mukhang masaya eh. Tingnan mo ako ngayon: masaya.
ayan. Sinayang ko na yung oras mo kakabasa ng walang kwentang introduction na iyon. Kekwentuhan naman kita ng mga nangyari sa akin simula nung Thursday (naku... English ito ah. Kailangan ka namin ngayon, MT, for you are edgar allan poe's beloved "successor") haha.
Maganda na sana yung araw kahapon eh. Kahit papaano eh naenjoy ko yung pagkuha ng sangkatutak na "essence" na kusang-loob na ibinigay sa akin ng aking current "fire". Kahit papaano eh masaya na sana ako nung malaman kong may mararating na ako sa college dahil matinong grupo ang makakasama ko sa paggawa ng thesis sa susunod na taon at hindi yung grupong walang mararating dahil sa... basta. Kahit papaano eh masaya na sana ako dahil magaganda yung research proposals namin. Kahit papaano eh masaya na sana ako dahil dadating na ang tatay ko kinabukasan at makakapiling na naming siya muli (at magkakaroon na ako ng bagong pares ng chucks). Kahit papaano eh masaya na sana ako dahil kahit papaano eh naenjoy ko naman yung pagkain ng crepe na niluto ni carlsten (gwapo! gwapo!) Kahit papaano eh masaya na sana ako dahil napanood ko ulit yung MAGNIFICO kanina. Kahit papaano eh masaya na sana ako dahil ngayon ko lang nalaman na kahit papaano'y may ibubuga din pala ako sa pagvo-volleyball, at nakaabot hanggang sa letter "M" yung grupo ko sa PE kahapon. Kahit papaano eh masaya na sana ako dahil mapapasaya ko si tino ngayong Lunes, sapagkat ako ang naka-schedule na magpakain sa kanya nun. Pero hindi eh. Alam mo yun?
haay, buhay. Madami talagang tae sa mundo. Bakit kung kailan masaya na ang lahat, saka ka pa babangon mula sa taehan? Nakakaasar talaga. Gah. Wala lang. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Nawalan ako ng gana kumain kaninang lunch. Masuka-suka na ako sa tuwing nalalanghap ko yung hangin na nalalanghap mo rin. Bwisit talaga ang mundo. Wala lang. Samahan mo pa ng pagkadismaya ko dahil hindi ko mapapanood and concert ng GOOD CHARLOTTE ngayong gabi (actually, ang gusto ko lang naman talagang mapanood dun eh yung mayonnaise, who happens to be one of the opening acts for to-night) Nakakainis talaga ang buhay. Napaka-abismal. Mabuti pa yung iba dyan, pabanat-banat na lang. Eh ako? Ano? Wala. Madami akong gustong hindi ko nakukuha. Yung iba hindi talaga pwedeng makuha, kahit maglupasay sa sahig. Yung iba, nakuha mo na sana, kaya lang, wala. Nawala rin bigla. Yung iba masyado nang mataas para abutin. GAH! Galit talaga ako sa buhay ko ngayon. Bakit ba? Bakit pa? Ayoko na.
Wala lang.
FU. Bamboo.Why do you hate him
Why did you make him leave
There's nothing wrong with him
Why do you hate him
You want him crucified
Is it the way he looks
Or the way he speaks his mind
Never hear this song playing on the radio
O There's nothing wrong with him
But it's you and your friends
Never hear this song playing on the radio
All you ever did was talk about her
She's done what she had to do
Having to raise two kids without a father
You just stood by idly watched her suffer
You think you're something special
Boy you blew it! This conversation's over…
Never hear this song playing on the radio
There's nothing wrong with her
But it's you and your friends
Fuck you and your friends
Never hear this song playing on the radio