Julie Tearjerky
grabe. ang weirdo na ng mga nangyayari sa akin ngayon. pakiramdam ko'y patang-pata ang aking katawan at ako'y nararapat nang mahiga instead ng paggawa ng katarantaduhang ito.. wala lang..
hindi naman sa weirdong weirdo, pero ewan ko. sa tinagal-tagal naming pagpapractice para sa intramurals namin bukas, aba, tangina, ngayon ko lang naramdaman yung bigat ng load ng pagpapractice.. kahit kasama lang ako sa pep squad, wala, pamatay pa rin yung trabaho.. pero shempre, dapat pa ring i-acknowledge yung pagod ng batch leader, kasi walang-wala yung pagod namin sa kanyang mga paghihirap..
trabaho ng pep squad ang magpakababa ng boses, maglagay ng buhay sa bawat cheer na ipapa-voice out sa kanila ng batch leader, ang maglead sa mga gagawing steps ng cheerdancers.. kung papatay-patay ang pep, wala nang mangyayari sa batch pagdating ng intrams.. at shempre, dapat, may pakialam din ang pep sa pwedeng kahinatnan ng batch kapag ang sinunod lang nila eh yung mga makasarili nilang pagnanasa.. dito pumapasok yung concern ng pep para sa kanilang buong batch...
ang JUNIORS. ang magagaling na pep ng JUNIORS. ginagawa ba natin ang trabaho natin ng maayos?
wala lang, kasi naiinis ako.. sa inaraw-araw na ginawa ng diyos eh putangina, mukhang iilan lang talaga sa pep squad ng juniors ang kumikilos ng angkop sa mga pangyayari.. i mean, yung mga pursigido talagang magpractice, yung mga may mga bagay na tinatawag nating dedication and persistence.. kasi kahit sino namang nasa lugar ng mga taong nagpupumilit na gandahan at babaan yung pagdedeliver nila ng cheers and the hand movements that go along with it tapos makikita na yung mga taong nasa paligid niya eh wala naman talagang pakialam sa mga nangyayari eh mababanas din ng sobra kagaya nito..
tapos may mga tao pang reklamo ng reklamo.. akala mo, mga perpektong tao sila na hindi nagkakamali at kung ano-ano pang mga hirit na pwede nilang ibanat ng matindi.. bwisit, nakakapurga na kayo.. ang malas ko naman, natabi pa ako malapit sa inyo.. diyos ko..
kanina lang talaga ako napuno.. kasi sumobra na eh.. nakakapurga na talaga.. isa pa yang TOOTSIE na yan... (malakas ang kutob ko na forever kang nasa hot list ko..) tangina, pinaayos-ayos pa yung batch shirt ko na may maling pangalan.. eh pepwede namang makipagpalit na lang ako kay siyel nun ng shirt.. tae, ang bobo talaga..
"Tomorrow morning if you wake up
and the sun does not appear
I will be here..."
*sigh* wala lang...
looking on the bright side, may mga bagay pa rin naman akong pwedeng gawin para maremedyuhan ito kahit papaano.. kagaya na lang ng pagpu- "putangina, ano bang gusto ninyong mangyari sa buhay ninyo, mga hayop kayo!" sa mga pep members na mukhang walang pakialam sa batch at iba pa.. haha.. pero wala lang, in fairness, literal na nahigh blood talaga ako sa mga taong yun kanina.. as in nahihirapan na akong huminga and all.. O, ilaw sa gabing madilim...
teka, pagod na ako.. wala na namang kwenta itong sinulat ko.. hindi na kasi siguro ako marunong mag-english.. oh god, this is not good.
but God is good! he will never forsake me.. that, i know.
good luck na lang sa akin. wag niyo na lang pansinin yung mga sinabi ko kung ayaw niyo.