ito na ang totoo.
hindi ko aakalaing sa murang gulang naming ito, malalagpasan namin ang tatlong pagsubok na iyon na sa huli naman ay binigyan rin naman namin ng pagsisising nararapat lang na kalapat nito.
ayos na nga talaga sana ang araw na ito eh. nakita na namin ang lalaki ng aming mga pinakamabangis na mga panaginip nang hindi namin inaasahan. (wildest dreams) nakita KA na rin namin at napagtanto ang tunay na dahilan kung bakit hindi ka kayang mahalin ng lalaking pinapangarap mo. (kung ako sayo, umuwi ka na lang, kasi wala talagang binatbat ang mukha mo sa mukha ni ting.) nakabili na rin kami ng... at halos buong hapon rin naming pinagpaplanuhan kung paano namin papanoorin yun sa bahay nila gel.
... pero sa tuwing naiisip ko yung oras na pinili naming pumasok sa sasakyang yun para lang makita ang bahay NINYO... ang bahay NINYO na matagal-tagal na rin naming inaasam-asam na sulyapan... ang bahay NINYONG mas mahalaga pa para sa amin kaysa sa buhay ng guro namin sa pisike... lechugas. WALA RIN, EH. parang, nagtapon lang kami ng pagkakataon. nakakaasar talaga.
oo. nandun na nga kami. pero wala talaga eh. siguro nga, masyado lang kaming umasa. umasang mala-palasyo palang may maganda at malaking na backyard na may swimming pool ang bahay ninyo. umasang may malaking sala set kayo sa loob ng bahay ninyo na may malaki ring popcorn machine sa tabi ng tv set. umasang ganoon ang nararapat para sa inyo at sa inyo lamang dahil kayo ay matatalino, masayang kasama, hot at sexy. hindi nararapat sa inyo ang mga bahay na nasaksihan namin kanina. HINDI.
pero wala. siguro, yun na nga talaga. takte.
isa pa ang blue room. akala namin, makakatugtog na kami doon noon.. pero isang bandang galing sa isang paaralang may mga istudyanteng mas pipiliing maiwan na lang sa "jail booth" ng buong araw tuwing "fair" nila kaysa magbayad ng sampung piso ang kasalukuyang tumutugtog ng mga oras na iyon. kinuha nila ang puwesto sa studio na yun na inakala naming itinakda ng panginoon sa amin. nakakalungkotmang isipin, pero ganoon talaga - kinailangan na lang namin bumalik.
pero ayos lang. mas mainam nga yun eh. kasama na namin si yza sa susunod. hah. mabubuo na rin sa wakas ang pinakamamahal kong banda upang bumuo ng musikang di magtatagal ay yayanig sa buong kamunduhan.
isama ninyo naman ang naramdaman naming asar noong napanood pa namin yung... inakala namin, maganda. "TOO GOOD TO BE TRUE," sabi pa nung cover. pero lintik. wala. tancha ko, iisang anggulo lang ng mga eksena na puro ganun ang ginawa. puro na lang ganun at ganyan at ganun at iba pang mga kawalang kakuwentahan. basta, wala. walang kuwenta. panoorin ninyo rin para malait ninyo. ayan na yung titulo ng palabas sa itaas. magpakasaya kayo.
"maiba ang minsan na mahagkan ka't maiduyan ka
sakbibi ka't ulan lamang ang saksi..."
at oo nga pala, mahirap na ang buhay. wag kayong magsasayang ng pera. talagang nakaka-badtrip ang pakiramdam ng wala kang salapi. hah.
"marami ang namamata-haaaaay... sa maling akala."